top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

7 katao nasakote sa drug den

Pabs Hernandez III
Feb 13, 2019
1 min read

PANGASINAN—Pito katao ang naaresto nang salakayin ng pulisya ang drug den sa Bgy. Poblacion, San Fabian sa lalawigang ito.

Sa pitong nahuli, tanging ang may-ari ng drug den na si Joselito Largo ang pinangalanan ng pulisya.

Ayon sa ulat, sinalakay ng mga awtoridad ang drug den at dito nakumpiskahan ang mga suspek ng 54 gramo ng shabu at mga kagamitan sa pagsinghot ng droga.

Nakapiit na si Largo na sinampahan ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002, habang patuloy ang imbestigasyon sa anim na kasamahan nito na nahuli sa aktong nagsasagawa ng pot session sa naturang drug den.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page