top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

2ND WIN, TARGET NG ACES; HOTSHOTS VS. E-PAINTERS

Clyde Mariano / ATD
Feb 13, 2019
2 min read

PUNTIRYA ng Alaska Aces ang pangalawang sunod na panalo kontra sa nagdurusang Blackwater Elite at target ng Magnolia Hotshots na umabanse sa isang hakbang at sumosyo sa Talk ‘N Text KaTropa laban sa isa ring malupit na Rain or Shine ngayon sa Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Sasagupain ng Aces ang Elite sa unang laro ng 4 :30 p.m. at haha­rapin ng Hotshots ang E-Painters ng 7 p.m. Pinapaboran ang Aces kon­tra Elite dahil ins­pirado ang Aces matapos sungkitin ang unang panalo kon­tra Dyip matapos yumu­ko sa una nilang laro sa E-Painters kung saan kina­lawang sila sanhi ng tatlong linggong pahinga mata­pos matalo sa finals sa Magnolia Hotshots sa Gover­nor’s Cup.

Ayon kay Elite coach Bong Ramos, bumalik ang character at self-confidence ng kan­yang mga bata mata­pos talunin ang ROS, 111-99. Isang biro ang sinabi ni Ramos na sunod-sunod ang kabiguan nilasap ng Blackwater Elite na yumuko sa defending champion Beermen at Gin Kings sa provincial game sa Digos City, Davao del Sur at nalubog sa ilalim ng kartadang 1-6.

Sa kabila ng paborito, ayaw pa ring magkumpiyansa ni coach Alex Compton at pinaalalahanan niya ang mga manlalaro na huwag maging over confident at maglaro nang husto para masiguro ang panalo. “I reminded my players to stay focus to avoid getting into trouble and ensure the win,” ani Compton.

As usual muling sasandal ang Ka­nong coach na ipinanganak sa ‘Pinas sa kanyang mga gunners sina Chris Banchero, Jeron Teng, Chris Exciminiano at prize rookie Jesper Ayaay at sina Jake Pascual, Sonny Thoss at Nonoy Baclao na baban­ta­yan ang low post para hindi maka- penetrate ang Elite sa pamumuno ni Michael Vincent Digregorio, Abu Tratter, Roi Su­mang, Rey Mark Belo, Paul Desiderio, Allein Maliksi at James Sena.

Ginulat ng Dyip ang PBA fans matapos talunin ang outstanding favorite defending champion SMB na kinokonsiderang pina­kamalaking talo sa liga kung saan nagpakitang-gilas si top rookie at back-to-back NCAA MVP CJ Perez upang taguriang “giant slayer” at inalis ang katagang favorite whipping team sa liga ng SMB. Pansamantalang titigil ang liga ng dalawang linggo at muling babalik sa Peb. 27 upang bigyang daan ang 6th FIBA Window kung saan kasali ang Pinas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page