120 SULTADA SA LPC NGAYON


NAKAPILA ang 120 sultada sa patok na “Boss A and Gabriel One -Cock Timbangan” ngayong Miyerkules, Peb. 13 sa air-conditioned Las Pinas Coliseum.
Taya ang P170,000 sa inaabangang palabang ito nina coliseum manager Alex Tobias at Engr. Joel Gabriel, may entry fee na P2,200 at minimum bet P5,500.
“Eksaktong 1 p.m. umpisa na ang bakbakan,” ani LPC pit liyamador Cris Villanueva.
Ang mga premyo sa fastest win champ hanggang 7th fastest win ay P10,000 bawat isa; any three wins, P60,000 at any 4 wins, P40,000. Sa detalye: 873 – 1040 ( Grace 1 ).
Inaabangan din ang malaking paderbi ng LPC ngayong summer, ang “Boss Alex 4 -Cock Derby” sa Abril 24 at hindi bababa sa 40 entries ang inaasahan dito. (MC)





Comments