top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

‘Yung mga isinilang daw sa mga petsang 5, 14 at 23... LALAKING PINAPAYUHANG MAGHANAP NG KASOSYO NANG

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 13, 2019
2 min read

Dear Maestro, May ibinebenta akong house and lot ngayon na nakasanla sa financing company at kung sakaling maibebenta ko ito, malaking halaga ang makokomisyon ko. Kaya lang, hindi ko pa rin ito naibebenta hanggang ngayon. Isinilang ako noong January 8, 1974, nais kong malaman kung maibebenta ko ang house and lot ngayong 2019?

Umaasa, Andrew ng Bilog, Alfonso, Cavite

Dear Andrew, Ayon sa zodiac sign mong Capricorn at birth date na 8, kapwa pinaghaharian ng planetang Saturno ang iyong zodiac sign at birth date mong 8 sa destiny number na 3 (1+8+1974=1983/ 19+83=102/ 10+2=12/ 1+2=3).

At pansinin mo rin na ngayong 2019, ang iyong kapalaran ay may sumatutal na 3 (dahil ang 2019 ay kinukumpyut ng ganito 20+19=39/ 3+9=12/ 1+2=3) kung saan ang numerong 3 ay siya ring destiny number mo. Ibig sabihin, ngayong taon, sa edad mong 45 pataas, susuwertehin ka, hindi lamang sa larangan ng materyal na bagay kundi sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.

Dagdag pa rito, dahil Capricorn ka at may birth date na 8, ito ay nangangahulugan ding yayaman ka sa pamamagitan ng produktong lupa o kalakal, ngunit, matutupad lamang ito kung may makapa-partner ka sa buhay o sa negosyo na isinilang sa mga petsang 5, 14 at 23.

Kaya dapat kang maghanap ng taong ganyan ang birth date nang sa gayun ay mas madali mong maibebenta ang nasabing house and lot at habang kasama o kasosyo mo ang taong may birth date na 5, 14 at 23, tulad ng nasabi na, mas madaling uunlad ang iyong kabuhayan at aasenso hanggang sa tuluyan ka nang yumaman.

Kaya simulan mo nang maghanap ng nasabing nilalang at pagkatapos sa parte mo naman ay palagi kang magsuot ng kulay berde, pula o kaya ay dilaw at kapag nagawa mo ‘yan, ngayong 2019, tulad ng nasabi na sa itaas, sa edad mong 45 pataas, hindi lang ang ibinebenta mong house and lot ang maidi-deal mo kundi maraming-marami pa hanggang sa umunlad nang umunlad ang inyong kabuhayan na sa bandang huli ay tuluyan mo na ring ikayayaman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page