top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tiniyak ng Comelec | 2019 ELECTIONS, HINDI MADADAYA

  • Madel Moratillo
  • Feb 12, 2019
  • 1 min read

TIWALA ang Commission on Elections (Comelec) na hindi madadaya ang resulta ng darating na halalan sa Mayo sa pamamagitan ng mga inilagay nilang security features sa mga balota.

Sa isang panayam kay Spokesman James Jimenez, ilan aniya sa mga security feature na nailagay sa mga balota para siguradong hindi madaya ang resulta ng eleksiyon ay ang ultraviolet markings at serial number.

Ang UV markings naman sa balota ang magsasabi kung ang balota ay authentic at kung ito ay nabasa na o hindi pa ng vote counting machine.

Kung nabasa na umano ng makina ang balota, hindi na ito mauulit na mabasa sa tulong ng UV markings.

Samantala, ang mga serial numbers naman sa mga balota ang gagamitin ng Comelec upang matukoy kung aling balota ang nagamit o hindi at kung aling mga balota ang nawawala kung sakali mang magkaroon ng aberya.

Idinagdag din ng opisyal na hindi lamang sa mga balota may security features kundi pati na rin sa mga makinang gagamitin.

Sisikapin din umano ng ahensiya na makapag-transmit ng 100 porsiyento ng resulta. Ayon kay Commissioner Marlon Casquejo, sa pamamagitan ng trusted build o transmission router/gateway, matitiyak na aabot ang resulta ng eleksiyon sa transparency server at sa central server sa oras. Ang binubuong trusted build para sa transmission router/gateway ay subject din ng source code review.

Paliwanag ni Casquejo, sakaling magkaiba ang SD card sa CS machine ay magkakaroon ng maraming tanong.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page