top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Para hindi lang damdamin ninyo ang mutual, besh! DATING APP NA KERING HANAPIN ANG KA-MATCH NG IYONG

  • Jersey Sanchez
  • Feb 12, 2019
  • 2 min read

SWIPE left, swipe right, ganito ang regular na paraan ng paggamit ng dating app kung saan pisikal na hitsura ang nagiging basehan para mamili ang indbidwal ng kanyang “potential partner”. Pero, knows ba ninyo na mayroon ng dating application na DNA ang inyong kakailanganin para makita ang ka-match ninyo? Weh, ‘di nga?

Mayroon ng nadiskubreng “dating service” kung saan ito ay paraan ng paghahanap ng partner sa cellphone application, ngunit, hindi ito pangkaraniwan.

Ang dating service na ito ay tinawag na Pheramor kung saan ito ay may halong siyensiya sa paghahanap ng partner ng indibidwal sa pamamagitan ng chemical compatibility gamit ang kanilang DNA.

Ang indibidwal na gustong gumamit nito ay kailangang magbayad ng $29.99 at padadalhan ito ng kumpanya ng DNA kit kabilang ang buccal swab na gagamitin upang kumuha ng sample ng kanilang cheek cells.

Pagkatapos gamitin ang buccal swab, kailangan itong ibalik sa kumpanya at dito na i-a-analyzed ng Pheramor ang samples kung saan inaayos nito ang 11 genes kabilang ang human leukocyte antigen genes o HLA genes.

Dagdag pa rito, ang genes umano ay nag-e-encode ng proteins sa immune system.

Ayon sa mga eksperto, ang mga tao na attracted sa isa’t isa ay mayroong HLA genes na magkaiba kung saan dito napatunayan na ‘yung sinasabing “opposites attracts”.

Samantala, ikinukumpara ang HLA genes sa resulta ng ibang indibidwal gamit ang database na nakapagsasabi ng chemical compatibility.

Matapos ang mga pagsusuri at saka pinadadalhan ng kumpanya ang user ng tatlong tao na posibleng match sa kanya, gayundin, ang ilang litrato ng mga ito na blurred.

Ayon sa kumpanya, ang pagpapadala ng blurred na litrato sa mga user ay ginagawa nila nang sa gayun ay hindi gawing basehan ng mga user ang pisikal na hitsura sa paggamit ng dating service.

Base sa pangalan ng dating service, ang Pheramor ay mula sa konsepto ng pheromones, ang chemical substance na inire-released sa kapaligiran na nakaaapekto sa ugali at physiology ng indibidwal.

Ang Pheramor ay hindi lamang DNA-based dating service kundi mayroon din itong application kung saan puwedeng i-link ng user ang kanyang mga social media profile rito habang ang algorithm ay ginagamit upang tumaas ang tsansa na makatagpo ng ka-match ang user base sa kanilang mutual interest.

Iba na talaga ang nagagawa ng teknolohiya ngayon, mga lodi, noh?

Kaya kung bet pa ninyong humabol sa Valentine’s Day, try n’yo na ito!

He-he-he!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page