Nagturuan sa pagbili ng alak | KELOT KINATAY NG KATRABAHO

ISANG construction worker ang nasawi sa ginagawang gusali makaraang pagsasaksakin ng kanyang kainuman sa San Ildefonso, Ilocos Sur.
Kinilala ang nasawi na si Aldrin Almandares, residente ng Dagupan City, Pangasinan.
Kulong naman ang suspek na si Patrick Calaguio, ng Mangaldan, Pangasinan.
Nag-iinuman ang suspek at ang biktima kasama ang ilang katrabaho.
Hanggang sa magturuan kung sino ang bibili ng alak na nauwi sa pagtatalo at suntukan ng dalawa.
Kumuha ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima hanggang sa mamatay.
Nabatid pa na matagal nang may alitan ang biktima at suspek na tuwing nag-iinuman ay nagtatalo.





Comments