Mga kandidatong mandarambong at pork barrel politician, suportado ni P-Digong
- BULGAR

- Feb 12, 2019
- 1 min read
MGA KANDIDATONG PLUNDERER AT ‘PORK BARREL’ POLITICIAN, SUPORTADO NI P-DUTERTE?—Ilan sa mga kandidatong sinusuportahan ni P-Duterte ay may mga kasong plunder at ‘pork barrel’ politician.
Pambihira, ang pakilala ni P-Duterte, anti-corrupt daw siya tapos ang gusto niyang manalo ay mga plunderer at pork barrel politician, pwe!
◘◘◘
KAPAG UMATAKE NG PAMBABASTOS SI P-DUTERTE, TIKLOP SI PIA NA ‘TAGAPAGTANGGOL’ DAW NG KABABAIHAN—Umpisa na ng kampanyahan sa pagka-senador kaya panawagan natin sa publiko, huwag maniwala sa slogan ng mga kandidato tulad ng slogan ni ex-Sen. Pia Cayetano na siya raw ang tagapagtanggol ng kababaihan.
Kung tagapagtanggol ng kababaihan si Pia, dapat binatikos niya ang rape jokes at ‘yung ibinida ng pangulo na ‘pambabastos’ umano niya sa kanilang kasambahay noong bagets pa siya, pero walang ginawang aksiyon ang dating senadora at tiklop lang siya kapag nambabastos ng mga kababaihan ang pangulo, period!
◘◘◘
KARAMIHAN SA MGA PARTYLIST, ANG NOMINADO, KAPAMILYA NG MGA TRAPO —Umpisa na rin ang kampanyahan sa mga partylist.
Maging mapanuri sana ang publiko sa mga partylist na nais nilang suportahan kasi ang karamihan sa mga nominado sa mga partylist ay mula sa pamilya ng mga trapo (traditional politician) na ang hangarin lang ay magka-pork barrel at hindi para magserbisyo sa publiko, period!
◘◘◘
RAKET NG MGA ILIGALISTA, PARANG KABUTENG NAGSULPUTAN SA JURISDICTION NI PNP-REGION 3 DIRECTOR CORONEL — Parang kabuteng nagsulputan ang iba’t ibang raket ng mga iligalista sa Central Luzon.
Ang nakapagtataka lang, sa kabila na lantaran nang niraraket ng mga iligalista ang mga residente ng Bulacan, Pampanga, Tarlac, Bataan, Nueva Ecija at Zambales, eh, si PNP-Region 3 Director C/Supt. Joel “Jigs” Coronel, “nganga” lang, buwisit!





Comments