top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

HOROSCOPE | PEBRERO 12, 2019 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 12, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG PEBRERO 12, 2019 (Martes) : Sobra-sobra ang katuparan ng iyong mga pangarap, ito ang kahulugan ng araw na ito ng iyong pagsilang. Huwag kang mag-aalin­langan kung mabibigo ka o magtatagumpay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli kang bi­bigyan ng pag­kakataong ma­­paangat ang iyong buhay. Samantalahin mo ang araw na ito nang sa gayun ay mapahiya ang mga hindi naniniwala sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-11-18-25-27-30.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipakita mong seryoso kang mapa­unlad ang buhay mo. Ipa­kikita naman sa iyo ng langit ang espesyal na re­galo sa mga taong tinutu­tukan ang kanilang mga pangarap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-18-21-27-30-32.

GEMINI (May 21- June 20) - Maliit lang ang gusto mo, pero malaki ang ibibigay sa iyo ng ka­palaran mo. Ibig sabihin, importante sa buhay na mayroon tayong gustong makuha o marating. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-19-20-25-34-38.

CANCER (June 21- July 22) - Huwag kang patata­ngay sa mga nagsasabing mahirap umasenso. Dahil ang to­too, madali lang umasen­so kung gugustuhin mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-22-24-36-41-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mas­yadong ma­ta­as ang ambis­yon mo. Maku­kuha mo rin ito, kaya lang kailangang magsimula ka muna sa mababa at pag­katapos ay pataas na ito nang pataas. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-16-24-28-30-37-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hayaan mong malamangan ka ngayon ng iyong karibal. Masosobra­han ang tiwala niya sa kanyang sarili, kaya sa huli, mas aangat ka sa kanya at siya ang maiiwa­nan mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lot­to-14-16-21-29-31-32.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Piliin mo ang taong may pa­ngarap. Hindi ka dapat masilaw sa ki­nang at kislap ng mga gamit at kasuotan. Ang taong may pangarap ang tunay na may magandang kinabukasan. Masuwer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-18-26-27-33-38-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang kaila­ngan ng mga suki, ‘yun dapat ang nasa sa iyo. Ito ang pinakamabisang pormula para mabilis na umasenso ang iyong ne­gosyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-15-28-31-33-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hawak mo ngayon ang kapala­ran ng maraming tao. Kapag nabigo ka, sila rin ay mabibigo. Kaya wala kang ibang pagpipilian kundi gawin ang lahat ng iyong makakaya. Masu­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-14-20-21-29-33.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lumi­lipas ang la­hat sa mundo. Kaya anuman ang nara­ranasan mo, lilipas din ‘yan. Mas magandang ihanda mo ang iyong sa­rili sa mga bagong kaba­nata ng buhay mo. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-15-18-20-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong pigilan ang sarili mo, kapag malungkot ka, tang­gapin mo na malungkot ka. Kapag masaya ka, da­pat ay magsaya ka. Ito ang panlaban sa mga sakit at karamdaman. Masuwer­teng kulay-black. Tips sa lotto-16-17-22-24-31-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makababahagi ka sa mga su­werteng ihu­hu­log ng langit. Para ma­rami at mas malalaki ang mapasaiyo, bigyan mo ng saya ang mga pagod at naghihirap, pero nag­si­sikap. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-12-16-23-39-40-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page