Hirit ng Palasyo | PAG-ENDORSO KAY IMEE, PAGTANAW NG UTANG NA LOOB NI DIGONG
- Mylene Alfonso
- Feb 12, 2019
- 1 min read

IDINEPENSA ng Malacañang ang pag-endorso kay Ilocos Norte Governor at ngayo’y senatorial candidate Imee Marcos ngayong 2019 Midterm Elections.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ibinabalik lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang utang na loob noong sinuportahan siya ni Imee noong 2016 Presidential Elections.
Nilinaw ni Panelo na hindi ito kontra sa kampanya ng administrasyon laban sa korupsiyon hangga’t hindi umano nasasampahan ng kaso na may kaugnayan sa korupsiyon sa korte si Imee.
“According to the president, he is helping Imee because he is indebted to her. Because she’s one of two governors, who helped him in the 2016 campaign. Utang na loob yata ‘yung kanyang reason,” pahayag ni Panelo sa press briefing sa Palasyo.
“In the first place, Imee is not charged. So… kung iyon nga ang nakademanda presumed lalo na itong hindi naman nakademanda. Wala naman siyang charge ng crime, eh, wala,” dagdag pa ni Panelo.





Comments