top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bukod sa tigdas outbreak; bilang ng mga nagkaka-dengue, dumarami!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 12, 2019
  • 1 min read

UMABOT na sa 176 ang naitalang kaso ng dengue mula noong Enero hang­gang ngayong kasalukuyan sa buong lalawigan ng Aklan.

Ayon sa sanitation inspector IV ng Provincial Health Office (PHO) Aklan, na si Roger Debuque, tumaas ng 109 % ang naitalang kaso mula sa 84 bilang sa kaparehong panahon noong nakaraang 2018.

Aniya, sa ngayon, ang bayan ng Kalibo ang nangunguna sa mga lugar na may pinakamaraming dengue cases, ngunit, bukod sa nasabing lugar, maging sa Metro Manila ay marami rin ang nagka­ka-dengue kung saan mahigpit na pag-iingat ang kailangang gawin ng lahat.

Samantala, karamihan umano sa mga natamaan ng sakit ay mga batang may edad isa hanggang 10 na delikado talaga dahil hindi lamang ito simpleng sakit na mabilis gumaling, lalo na kung ang re­sistensiya ng batang magkakaroon nito ay mahina.

Kaya naman, bukod sa pagiging alerto sa tigdas outbreak at pagpapabakuna para maiwasan ang pagkakaroon nito, ipinapayo natin sa lahat ng mamamayan na panatilihing malinis ang kapaligiran, partikular na ang mga kanal na may stagnant water na maaaring pamugaran ng mga lamok.

Hangga’t maaari, huwag hayaang makalat ang bahay, gayundin ang pag-iim­bak ng tubig kahit hindi naman ka­ilangan.

Ngayong iba’t ibang sakit ang nauuso tulad ng trangkaso, tigdas at dengue, maging handa at mag-iingat tayo mga ka-BULGAR!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page