Baka, Dragon, Ahas, Unggoy, Tigre at Baboy... MGA ANIMAL SIGN NA KATUGMA NG MGA IPINANGANAK SA YEAR
- BULGAR

- Feb 12, 2019
- 3 min read

ITULOY natin ang pagtalakay sa pangunahing katangian at sadlakang kapalaran ng animal sign na Rat o Daga ngayong 2019.
Sa negosyo, career at pag-ibig ngayong taon, maraming mga biglaan at hindi pinaghandaang paglalakbay ang magaganap sa buhay ng Daga na magdaragdag sa kanya ng bagong ideya at kaalaman. Kasabay ng mga paglalakbay na ito ang maraming oportunidad na hanapbuhay at pagkakakitaan.
Gayunman, ang pagbabago ng career o hanapbuhay ngayong Taon ng Baboy ay hindi naman inirerekomenda sa mga Daga, sa halip, kailangan ninyong maghintay ng 2020 kung saan ang nasabing panahon ang pinakamaganda upang magbago ka ng career o kaya ay magsimula ng panibagong pagkakakitaan.
Dahil ngayong Taon ng Baboy ay kusang aangat ang stock market at magiging masigla ang negosyo at mga pangangalakal at ang isa sa mga makikinabang sa pag-angat ng kabuhayan ngayong 2019 ay ang Daga kung saan likas silang susuwertehin at magkakaroon ng magandang kapalaran na may kaugnayan sa investment.
Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, sa mga dalaga, binata at single ngayong Year of the Pig, maaari ninyong makilala ang inyong soulmate at hindi lang basta makikilala kundi kayo ay magkakaroon ng makabuluhan at romantikong relasyon.
Ngunit, may babala ang kapalaran na kapag ang Daga ay masyadong nagtiwala sa kanyang sarili at yumabang, ang relasyong dapat sana ay mahihinog at maging matamis ang bunga ay maaaring pumakla at mapurnada. Kaya kung ikaw ay magkakaroon ng karelasyon ngayong taon, iwasan mong maging ma-pride o mayabang upang ang relasyong iyong mararanasan ay magtatagal at magiging panghabambuhay na.
Samantala, katugma ng Daga ang masipag at masikap na Baka at ang tapat at maangas na Dragon. Bagay din sa kanila ang buo ang loob at positibong Ahas. Matutulad din ang Daga sa masayahin at mapagbirong Unggoy. Magiging matagumpay din at maligaya ang pakikipagrelasyon ng Daga sa Tigre, Baboy at kapwa niya Daga.
Hindi naman katugma ng Daga ang makasarili at may pagkaaburidong Kabayo, gayundin, ang mayabang na Tandang. Habang guguluhin naman ng Kambing o Tupa ang mga materyal na bagay at mga suwerteng hawak-hawak ng Daga. Dapat namang ingatan ng Daga ang kanyang kalusugan sa first quarter o unang kalahating buwan ng taon.
Ngayong Year of the Pig, likas namang magiging masuwerte ang Daga mula sa ika-5 ng Abril hanggang sa ika-5 ng Mayo, mula sa ika-1 ng Agosto hanggang sa ika-29 ng Agosto, mula sa ika-16 ng Nobyembre hanggang sa ika-25 ng Disyembre at mula sa ika-26 ng Disyembre hanggang sa ika-24 ng Enero 2020.
Kung ikaw naman ay Daga na isinilang noong 1984, umasa kang higit na mas magiging maganda ang kapalaran mo ngayong 2019 kung ikukumpara noong nakaraang taong 2018. Kung sinuwerte ka at maraming magagandang pangyayari ang naganap sa iyo, umasa kang ang suwerte at magagandang kapalaran ay dodoble.
Kung ikaw ay Daga na isinilang noong 1936 at 1996, hindi gaaanong mabiyaya ang iyong mararanasan, pero hindi rin ito malas. Ibig sabihin, “moderate lang” at dahil “katamtaman lang”, nasa sarili mo pa ring pagsisikap ang iyong tagumpay. Kapag sinusuwerte ka, kumbaga sa sugal, lakihan mo ang taya mo dahil maaaring magtuluy-tuloy ang iyong mga suwerte, pero kapag natalo ka, ibig sabihin, tumigil ka na.
Kung ikaw naman ay Daga na isinilang noong 1948 at 2008, may mga maligayang paglalakbay na itatala sa iyo. Maraming oportunidad ng pagkakakitaan ang mabubuksan at kusang aangat ang iyong kabuhayan, kaya wala kang dapat gawin kundi sumabay sa agos ng iyong kapalaran.
Kung ikaw ay Daga na isinilang noong 1960, ‘yung pagkalugi mo noong nakaraang taon ay babaligtarin ng langit, tutubo ka ng malaking halaga ngayong 2019. Dagdag pa rito, madagdagan ang miyembro ng inyong pamilya.
Kung ikaw Daga na isinilang noong 1972, maraming pagbabago sa iyong buhay na hindi mo mauunawaan, pero huwag kang mabahala dahil ang lahat ng pagbabago ay para sa ikagaganda ng iyong kapalaran.
(Itutuloy)




Comments