top of page
Pokwang.jpg

74-anyos dedo sa motor

Gina Pleñago
Feb 12, 2019
1 min read

PATAY ang 74-anyos na lola makaraang mabangga ng motorsiklo habang tumatawid sa Parañaque City.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Parañaque Doctors Hospital si Melagros Centino, ng Santa Ana Drive, Bgy. Sun Valley.

Sugatan naman ang rider na si Mico Salcedo, 21, at angkas nitong kaanak na si Agnes Salcedo, 50.

Sa imbestigasyon ng Parañaque City Traffic Bureau, nangyari ang insidente sa Santa Ana Drive ng nabanggit na barangay alas-7:05 ng gabi.

Binabaybay ng motor ang lugar nang tumawid ang biktima at nabangga.

Tumilapon ito ng ilang metro ang layo at nahulog din ang mga sakay ng motor.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page