19 arestado sa illegal quarrying
- Mylene Alfonso
- Feb 12, 2019
- 1 min read

NADAKIP ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 19 trabahador ng dalawang kumpanya na sangkot sa illegal quarrying sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Pampanga.
Ayon kay NBI Spokesman Deputy Director Ferdinand Lavin, kabilang sa mga naaresto ang mga manggagawa ng Sammi Vibro na sina Gi Man Lee, Jeong Sunmi, kapwa Korean national; John Paul Sumat, Jory Sabacan, Alberto Lingad, Joseph de Leon, Sandy Vosotros, Alex Basilio, Fernando Tomas, Tyron Manalo, Mark Glen Reyes, Rudy Libunao, Joey Madrona, Marcelino Bundoc at Lamix Abogan sa Dolores, Bacolor.
Naaresto naman sa panig ng BM Marimla sina Alfer Nueva, Rodolfo Pineda, Higinio Javate at Ener dela Cruz sa Manibaug, Pasig, Pampanga.
Nagsagawa muna ng beripikasyon ang NBI sa Mines and Geoscience Bureau (MGB) kaya nabatid na wala itong permit.
Dahil dito, nagkasa ng operasyon ang NBI noong Pebrero 7 sa mga nabanggit at dito naaktuhan ang mga suspek.
Nakita sa operasyon ang mga bulto ng minerals at mga kagamitan sa operasyon.
Sinampahan sa Prosecutor’s General Task Force Environmental Laws ng Department of Justice (DOJ) ng kasong paglabag sa Sec. 103 (Theft of Mineral) ng RA 7942 o kilala bilang Philippine Mining Act of 1995 ang mga suspek.





Comments