17-anyos, 3 pa huli sa aktong nagdodroga

APAT katao kabilang ang isang menor-de-edad ang arestado matapos makuhanan ng marijuana sa Malabon City, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni Malabon Police Sr. Insp. Ronald Carlos ang mga naarestong suspek na sina Danrey Kenneth Potolin, 21, ng Taguig City; Niel Mitchel Piguing, 18, ng Navotas City; Francis John Gallardo, 19, ng Baritan, Malabon at ang 17-anyos na lalaki ng San Agustin, Malabon.
Ayon kay PO3 Jun Belbes, alas-3:00 ng madaling-araw, nagpapatrulya ang mga tauhan ng Malabon Police Community Precinct (PCP) 6 sa kahabaan ng Nibungco St., San Agustin nang isang concerned citizen ang lumapit at ipinaalam na may grupong nagma-marijuana.
Agad rumesponde ang mga pulis sa naturang lugar at nakita ng mga ito ang mga suspek na magkakaharap habang abala sa pagbusisi ng apat na plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga ito.





Comments