Tserman niratrat, utas

ALITAN sa pamilya ang umano’y dahilan ng pagpaslang sa isang barangay kapitan sa bayan ng Datu Anggal Midtimbang sa Maguindanao, kamakalawa.
Dead-on-the-spot sanhi ng ilang tama ng bala sa ulo at katawan si Lumbatan Lampay, 55, residente ng Bgy. Tugal nang pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakilalang lalaki.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Senior Supt. Ronald Briones, sakay umano ang biktima sa kanyang motorsiklo at pauwi na nang harangin at pagbabarilin ng mga suspek.
Nakakuha ang SOCO Team sa lugar ng krimen ng limang basyo ng bala mula sa .45 pistola.
Lumalabas sa follow-up report ng pulisya na bago ang pananambang sa kapitan ay may natatanggap na umano itong pagbabanta sa kanyang buhay dahil sa matagal nang alitan sa kanilang pamilya.





Comments