top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Takot ng publiko sa bakuna | Kasalanan ni ex-P-Noy, period!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 11, 2019
2 min read

ANG sabi ni Senadora Risa Hontiveros, si PAO Chief Persida Rueda Acosta raw ang may kasalanan ng paglaganap ng tigdas nitong mga nakaraang linggo dahil kakaunti ang mga nagpabakuna laban dito.

Ganu’n? Eng-eng ang ar­gumentong ito, eh, dahil ito sa utos ng boss ni Sen. Hon­tiveros na gumastos sa kanyang pagtakbo noon bilang senador: Si ex-P-Noy.

Nasira raw ang tiwala ng taumbayan sa “bakuna” kaya hindi na sila nagpaba­kuna dahil sa kampanya umano ni Atty. Acosta na ipaalala sa gobyerno na may­roon daw mahigit 100 namamatay dahil sa Dengvaxia vaccine.

Nangyari ito dahil kung ang bata ay hindi pa tinatamaan ng dengue, kapag binakunahan ng Dengvaxia, mas malala ang magiging sakit nito na maaaring umabot sa kamatayan.

Eh, dahil minadali nina ex-P-Noy at ex-DOH Sec. Janette Garin ang pag­bakuna ng Dengvaxia na pangmara­mihan noong 2016 bago mag-eleksiyon, eh, kahit ang mga hindi pa nagkasakit ng dengue ay binakunahan nito.

‘Yun, mahigit 100 bata na binakuna­han ng Dengvaxia ay lumala ang naging sakit at namatay.

Nampucha, bakit si Atty. Acosta ang sinasabing nagsira ng tiwala ng mga tao sa pagbabakuna, eh, si ex-P-Noy ang sumira nito dahil siya ang nag-utos ng malawakang pagbabakuna kontra Dengue na palpak pala?

Bakit ito ginawa ni ex-P-Noy? Isang dahilan ay ginamit ito sa kampanya para sa halalan noong Mayo 2016. Sinabi nilang libre ang mahalagang bakunang ito na ipinamahagi ng tropa niya kahit ang tunay na halaga nito ay P5,000. Ma­rahil, isang dahilan ito kaya marami ang bumoto sa mga dilawan. Libre, pero nag­dulot naman ng kamatayan ng mara­ming bata.

Kayo na ang humusga kung may milyun-milyong dahilan kaya ito ginawa ni ex-P-Noy at ng tropa niya. Binili ng gobyerno ni ex-P-Noy ang Dengvaxia sa halagang P3.5 bilyones.

Bakit sisisihin ang PAO chief, eh, ginagawa lang nito ang tungkulin niyang ipaglaban ang mahihirap na pamilya ang namatayan ng anak dahil nabakunahan sila ng palpak na Dengvaxia?

Ang ginawa ng utusan ni ex-P-Noy na si Sen. Hontiveros ay pagtakpan umano ang tunay na nangyari.

Pinolitika ng tro­pang dilawan ang Dengvaxia para ma­gamit sa eleksiyon noong 2016 at mala­mang, pinagkakitaan pa!

Kaya nang lumabas na depektibo ito, lumakas ang duda ng mga tao sa anu­mang uri ng bakuna. ‘Yan ang isa sa pinakamalaking kasalanan ni ex-P-Noy sa bayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page