Surigao del Norte nilindol

TUMAMA ang Magnitude 3 na lindol sa Surigao del Norte, kahapon ng hapon.
Sa datos mula sa Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 13 kilometers northeast ng General Luna dakong 12:55 ng hapon.
May lalim itong 17 kilometers at tectonic ang origin.
Ayon sa Phivolcs, ang naganap na lindol ay bahagi ng nararamdamang aftershocks matapos ang Magnitude 5.9 na lindol sa lalawigan noong February 8.
Gayunman, wala namang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.





Comments