Singkapal naman kasi ng goma ang mukha niya… MATANGKAD NA GUWAPONG AKTOR, INAHAS ANG MAGANDANG AKTRE

BLIND ITEM:
NAPAKAGALING sa action movies ng aktor na ito at lalo na sa totoong buhay. Kung gugustuhin lang niya, madali niyang bugbugin ang mga taong nang-aalaska sa kanya.
Pero dahil pinalaki siyang mabuting tao ng mga magulang ay nakapagtitimpi siya. Mabait ang action star, huwag lang siyang kakantiin sa isang bagay na gustung-gusto niya at kanyang pag-aari.
Inamin niyang may pinitserahan na siyang matangkad na guwapong aktor. Girlfriend na kasi niya ang magandang aktres, pero pinormahan pa nito. Nag-break sila ng aktres dahil sa aktor na ito. Nagalit si Actor A at gustong bugbugin si Actor B, mabuti na lang daw at nakapagpigil siya.
Ngayon, may kani-kanya nang pamilya ang tatlong celebrities na ito. Parehong hindi nakatuluyan ng dalawang aktor ang magandang aktres.
Ang napangasawa ni aktres ay non-showbiz guy na kaibigan din ni Actor A.





Comments