top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Modus buking, 4 arestado | 46 ATM CARDS NA ISINANLA, PEKE

Maeng Santos
Feb 11, 2019
1 min read

NATIMBOG ng mga awtoridad ang sindikato na nagbebenta ng mga pekeng automated teller machine (ATM) matapos ang reklamo ng isang businesswoman na nabiktima ng mga suspek sa Caloocan City.

Kinilala ni NPD-DSOU Head PCI Angelo Nicolas ang mga naarestong suspek na sina Julsen Navarro, 41, ng Bgy. 20; Evelyn Sebastian, 57, ng Bgy. Maypajo; Stephanie Guevarra, 37, ng Bgy. 31 at Nanding Guevarra, 55, ng C. M. Recto Ave., Manila.

Nauna rito, humingi ng tulong sa pulisya ang businesswoman na si Imelda Villarosa, ng Caloocan City matapos nitong madiskubre na ang 46 Land Bank ATM cards na isinanla sa kanya ng mga suspek sa halagang P250,000 ay mga peke.

Nagkasa ng entrapment operation ang mga tauhan ng DSOU at District Investigation and Detection Management Division (DIDMD) alas-4:40 ng hapon sa Tanigue St., Kaunlaran Village na nagresulta sa pagkakaaresto kina Navarro, Sebastian at Guevarra.

Narekober ng pulisya sa mga naaresto ang apat na pekeng ATM cards na nakapangalan kay Lourdes Asucena, Melinda Serapio, Marilyn Guinang at Ramona Cadets na may iba’t ibang account numbers.

Inginuso naman ng mga naarestong suspek ang isang Nanding Guevarra bilang source ng mga pekeng ATM card na naging dahilan upang magsagawa ng follow-up operation ang pulisya na nagresulta rin sa pagkakaaresto nito sa C.M. Recto Avenue at narekober sa kanya ang pitong pekeng ATM cards na may iba’t ibang bogus na pangalan at account numbers.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page