top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HOROSCOPE | PEBRERO 11, 2019 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 11, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG PEBRERO 11, 2019 (Lunes): Hindi maganda para sa iyo kung ang aasikasuhin mo ay ang pangarap ng iba. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit saan ay may pang­gulo, kaya mag-ingat ka dahil ang mga ito ay didikit sa iyo kung saan tatangkain nilang guluhin ang di­rek­siyon ng buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-8-10-13-29-31-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Manin­digan ka! Ang paninindigan ay resulta nang mas ma­taas na kalagayan. Sa­ludo ang langit sa nani­nindigan, kaya mas ma­raming mga biyaya ang maaaring mapunta sa kanila. Masuwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-3-10-11-14-26-43.

GEMINI (May 21- June 20) - Magba­was ka ng aktibidad da­hil makikitang hindi mag­kakatugma ang iyong ginagawa. Masasayang lang ang lakas at talino mo kapag umaawit ka nang iba-iba ang tono. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-18-20-27-39-40.

CANCER (June 21- July 22) - Ipadama mo ang iyong damdamin. Hindi makagaganda para sa iyo kung magtatanim ka ng sama ng loob. Ang hindi nakalalayang pu­wersa na nasa tao ay ma­aaring maging sanhi ng karamdaman. Masuwer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-19-29-33-37-42-44.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ma­lakas ka, pero hindi mo gi­na­gamit ang lakas mo, kaya nauuna­han ka ng takot. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-17-18-21-26-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makibahagi ka sa talaka­yan. Malaki ang ma­itutulong ng iyong mga pa­nanaw para mas mabi­lis mong malutas ang mga problemang iyong kina­ha­harap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-16-24-28-37-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong dayain ang sa­rili mo. Kung hindi ka masaya, huwag kang magkunwaring ma­saya, gayundin, maghanap ka ng taong magpapasaya sa iyo. Masuwerteng ku­lay-yellow. Tips sa lotto-12-15-29-31-39-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kitang-kita ang ka­to­tohanan, kaya hindi ka dapat abusado. Damang-dama mo ang ka­totohanan, kaya ang payo sa iyo ay huwag kang sa­sakay sa magagandang paliwanag. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lot­to-17-20-23-26-34-46.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ipilit mo ang iyong gus­to. Sa una lang may kokontra sa iyo, pero mabilis din namang mau­unawaan ng marami na ang gusto mo ay para sa lahat at hindi lang para sa iyong sarili. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-8-12-24-28-31-35.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang hihinto sa pangarap mo. Ang mga nararana­san mo ngayon na mga su­liranin ay palantan­daan na hindi magtatagal ay ma­aabot mo rin ang pinapa­ngarap mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-7-24-27-31-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi pu­wedeng mahi­rapan ang ka­looban mo ngayon. Lumayo ka sa mga taong kinaiini­san mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-17-20-21-26-33.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Malakas ka kapag tinutu­kan mo ang negosyo kung saan ka ki­kita ng mala­king halaga. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-11-14-24-29-35.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page