top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dapat daw ay hindi ka padaskul-daskol para dehins ka malugi at mabigo... KAPALARAN NG DAGA SA CAREER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 11, 2019
  • 2 min read

SINASABING malalaki at maraming mga pagbabagong magaganap sa buhay ng Daga, ngayong 2019 habang papa­lapit ang Year of the Rat sa susunod na taong 2020.

Ang mga pagbabagong ito ay magbubunga ng pag-unlad sa larangan ng career, ne­gosyo at pagkakakitaan. Ga­­yunman, kahit ano ang ma­ging pagbabago, pi­na­aala­lahanan ang Daga na hindi dapat mag­madali o magpadaskul-das­kol sa pagkilos dahil may ba­bala na sa sandaling nagma­dali ng desisyon o pagpa­pasya ang Daga at hindi nag-ingat, mala­king halaga ng salapi ang agad-agad na ma­wawala sa kanila.

Kaya ngayong 2019, hu­wag kayong agad-agad magla­labas ng malaking halaga ng salapi o mag-i-invest nang ma­laki sa iba’t ibang uri ng paki­kipagsapalaran, sa halip, pag-isipan muna ninyong mabuti kung dapat ba ninyong bitiwan ang pera sa inyong negosyo o venture kahit hindi ninyo ka­bisado ang transaksiyon na inyong papasukan.

Ang pinakaepektibong por­mulang dapat ipatupad ng Daga ngayong taon higit lalo sa ca­reer, negosyo at mga as­petong pagkakaperahan ay ang dis­karteng “slowly but surely”. Nangangahulugang hindi baleng maliit lang ang tubo, pero sigurado naman ang balik ng pera, sa halip na hangarin ang bultu-bulto o ma­lakihang tubo, eh, du’n na lang muna sa maliit para hin­di ka­agad ma­lugi.

Gayundin sa pa­kiki­pag­re­lasyon, hindi ka da­pat mag­madali dahil kapag mi­nadali mo ang pag-ibig, madali rin itong mawawala at magla­laho. Hayaan mong kusang mahi­nog ang inyong pagkaka­ibi­gan hanggang sa unti-un­ti itong mauwi sa tunay at wagas na pagmamahalan.

Sa ganyang paraan, sa la­ra­ngan ng pag-ibig at pakiki­pagrelasyon, ngayong 2019 ay aani ka ng tagumpay at ha­bambuhay na kaligayahan.

Dagdag pa rito, hindi lang sa career, negosyo o materyal na bagay may magaganap na pagbabago sa buhay ng mga Daga, kumbaga, may mga pag­babago ring itatala sa kanilang pananaw sa buhay at malalim na damdamin.

‘Yung Daga na medyo negatibo at takot kumilos noong nakaraang 2018 ay ma­giging malakas ang loob at magkakaroon ng positibong pananaw sa buhay.

Samantala, tulad ng paalala sa itaas, kahit na sobrang po­sitibo ang mga pangyayaring nakikita mo sa iyong harapan, muli mong tandaan na hindi ka pa rin dapat magmadali da­hil sa pagmamadali ay baka malugi ka, pero sa dahan-da­hang diskarte, sigura­dong wa­lang duda, mala­king sa­lapi ang kikitain mo nga­yong taong 2019 na mag­hahatid ng pani­bagong ta­gumpay at saya sa iyong bu­ong pa­milya.

Inaasahan ding nga­yong taon, ang Daga ay mag-iipon ng maraming ener­hiya at re­sources upang maabot ang ma­­tagal na niyang mga ambis­yon at mga binabalak sa bu­hay.

Kaya kung ikaw ay Daga at may pinapangarap at inaam­bisyon sa buhay, ngayong taon ang para sa iyo upang matu­pad mo ang iyong ambisyon kung saan walang duda, bago matapos ang taon, malaking pag-unlad at tagumpay ang iyong aanihin at hindi lamang ikaw ang magiging maligaya kundi maging ang iyong mga kaibigan at mahal sa buhay.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page