top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

CPB AND CHRIS TOPS WORLD SLASHER CUP 1

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 11, 2019
2 min read

SOLONG naghari ang Amerikanong si Chris Copas ng Kentucky, USA at partner na CPB group (Claude Baustista) ng Mindanao (CPB and Chris entry) ang solong naghari sa katatapos na “2019 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby” noong Miyerkules, Peb. 6 sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.

Ang CPB and Chris entry, na naglaban ng mga manok-panabong na Kel­so, Roundhead at Swea­ters, na ipinarating sa Min­danao mula sa Amerika dalawang taon na ang nakararaan ay nagkamada ng walang bahid na 9-0 nalo-talo na kartada upang masolo ang kampeonato.

Matapos magsalansan ng 8 puntos, dinaig naman ng CPB & Chris entry ang tinale ni Jomel Gatlabayan upang masiguro ang pag­hahari.

Kung ito ay nabigo, ang Copas & Chris ay isa pa rin sa hihiranging kam­peon kasama ang entry ni Gatlabayan at isa pang kalahok.

Ang kaibigan ni Co­pas na si Joe Brown, ang 2018 Araw Ng Davao champ, ay nagsabi na ang pinakamahuhusay na manok-panabong ay nasa Pilipinas na at ang mapa­nalunan ang “Olympics of Cockfighting” ay pa­ngarap ng lahat ng sabu­ngero.

Isa pang Kano, si Belle Almojera ng Florida ka­sama si Santi Sierra ng Cebu ay nagtapos naman na may 7.5 puntos.

Ang matagumpay na 2019 World Slasher Cup 1 ay may buong suporta ng Thunderbird, ang brand na naghahandog ng mga de-kalidad na patuka at vet products na siyang subok at pinagtitiwalaan na win­ning formula ng mga kam­peon sabungero.

Ang Birthday Gift 1 at 2 entries ng Team Alcala, na may walo at pitong puntos, ayos sa pagkaka­sunod, ay nag-uwi ng runner-up honors.

Naka-tig-7 puntos sina Nene Araneta, Biboy En­riquez, cockfight idol Pat­rick Antonio, Jomel Gat­labayan at RGBA Friends, Jimmy Junsay, Doc Mar­vin Rocafort at Cris/Paolo Mercado. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page