Bus nahulog sa tulay, 12 nadale


NASA 12 katao ang sugatan makaraang mahulog sa tulay ang isang bus sa Sitio Agtabuan, Bgy. Bula, Mambusao, Capiz.
Nagtamo ng sugat sa katawan ang driver ng bus na si Arian Dumapil, 29, ng Commonwealth, Ave., Quezon City.
Sugatan din ang konduktor na si Joel Zombito ng Estancia, Iloilo at mga pasahero na sina Redford Nim ng Bgy. Cagay, Roxas City; Czyrun Vacal ng Lobo-Lobo, Rizal; Arjay Guevarra ng Sta. Cruz, Laguna; John Carlo Bagatilla ng Bago City; John Leo Pulupot ng Oriental Mindoro; Grace Linette Valentino ng Bgy. Mianay, Sigma, Capiz; Roel Encelina ng Bacolod City at George Suarez ng Sta. Barbara, Iloilo.
Bali naman ang balikat nina Eugene Javier ng Negros Occidental at Annaliza Ambala ng Bgy. Mianay, Sigma, Capiz.
Hindi naman nasugatan ang anim na taong gulang na anak ng driver.
Galing sa Batangas ang bus at papunta sa Palawan ngunit, pagdating sa kurbadang lugar sa Sitio Agtabuan, Bgy. Bula, Mambusao, hindi umano nakita ng driver ang sign board na may nakasulat na road construction hanggang sa mahulog ito sa tulay. (BRT)





Comments