top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bukod kay Daniel… ROBIN, GAMIT NA GAMIT NG KAMAG-ANAK NA SENATORIABLE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 11, 2019
  • 1 min read

KUNG sinabi ng mga netizens na ikinakampanya ni Robin Padilla ang kandida­tura ni Gen. Bato dela Rosa dahil sa pagpayag niya na gampa­nan ang buhay ng dating PNP chief sa pelikula, aware naman kaya si Binoe na na-name drop din siya ng isa pang senator­iable?

Ito ay si Diosdado Padilla na isa sa mga naging bahagi ng Debate 2019: GMA Senator­iables Face-off na napanood last Saturday night sa GMA-7.

Sa huling segment ay bi­nigyan ang 21 senatoriables ng chance na makapagbigay ng kanilang pahayag upang kum­binsihin ang kanilang mga botante na sila ay iboto. At ito ngang si Diosdado Padilla ay nagsabing galing siya sa angkan ng mga Padilla at kamag-anak ng dating senador na si Ambrosio Padilla, isang general na Padilla at ng mga sikat na aktor na sina Robin at Daniel Padilla.

Ang tanong, personal naman kaya siyang kilala ng mga nabanggit niyang kamag-anak sa showbiz? At kung saka-sakali, maaasahan ba na siya ay ikakam­panya nina Robin at Daniel ngayong kumakandidato siyang senador?

Just asking!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page