top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

BELGA NG RAIN OR SHINE, KINALOS ANG FUELS SA OVERTIME GAME

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 11, 2019
  • 2 min read

NANGAILANGAN ang Rain or Shine ng extra period upang kalusin ang Phoenix FuelMasters, 98-94 kagabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Nangalabaw si Beau Belga ng 16 points, siyam na rebounds at pitong assists upang tulungan ang Elasto Painters na agawin sa FuelMasters ang top spot sa team standings.

Solo sa unahan ang Rain or Shine kapit ang 6-1 record. Nakalamang ng tatlo ang Elasto Painters sa overtime matapos isalpak ni Maverick Ahanmisi ang tres, pero sumagot agad si Jason Perkins kaya tabla ulit sa 92, may 2:40 minuto na lang sa orasan.

Bumalik ang bola sa Rain or Shine sablay ang salaksak ni Ahanmisi pero nakuha ni Raymond Almazan ang bola at na-foul ito dahilan para tumira sa free throws.

Resulta - swak ang dalawang libreng tira at nakalamang sila ng apat na puntos 96-92 may 46 segundo pa sa laro. Hindi na nakaahon ang FuelMasters kaya nalasap nila ang unang talo sa anim na laro.

Nagtala ng 27 puntos at siyam na rebounds si Perkins para sa Phoenix.

Bahagyang kumawala ang Rain or Shine sa unang dalawang periods, kinapitan nila ang nine-point lead, 45-36 sa halftime.Nakahabol na ang FuelMasters, naitabla nila ang iskor sa 56-all matapos isalpak ni Alex Mallari ang layup may 5:46 minuto pa sa third quarter.

Subalit muling nakuha ng Elasto Painters ang bandera matapos mag-init ang opensa nina Almazan at Kris Rosales, abante sila ng siyam, 70-61 papasok ng fourth.

Hindi naman napanatili ng RoS ang paghawak sa lamang kaya nakahirit ng overtime game ang Phoenix. (ATD)

Mga laro sa Miyerkules: (Mall of Asia Arena)

4:30 p.m. - Blackwater vs Alaska: 7:00 p.m. - Magnolia vs Rain or Shine

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page