Babala ng mga expert... TOOTHPASTE, MAY NEGATIBONG EPEKTO SA KALUSUGAN!
- BULGAR

- Feb 11, 2019
- 2 min read

HINDI ba, nakatutuwa na makita sina bagets na marunong nang magsepilyo? Pero, mga mamshies, how sure are you na tama ang dami ng toothpaste na kinokonsumo nila? Hmmm… knows ba ninyo na mayroon ding negatibong epekto ang toothpaste kapag nasobrahan tayo sa paggamit nito? Hala!
Ayon sa mga eksperto, ang labis na paggamit ng toothpaste, partikular ng mga bata ay may masamang epekto sa kanilang mga ngipin habang sila ay tumatanda.
Ang naturang pag-aaral ay gumamit ng survey at isinagawa ito sa 5,000 magulang na may anak na nasa edad 3 hanggang 15.
Gayunman, base sa datos mula sa survey, napag-alaman ng mga researcher na 40 porsiyento ng mga kabataan na nasa edad 3 hanggang 6 ay gumagamit ng toothpaste na kalahati hanggang isang pulgada ang dami.
Ayon sa mga eksperto, mahalagang malaman ng mga magulang ang dami ng kinokonsumong toothpaste ng kanilang mga anak.
Ang mga bata na nasa edad 3 pababa ay dapat umanong gumamit ng toothpaste na kasinliit lamang ng butil ng bigas habang ang mga nasa edad 6 ay maaari nang kumonsumo ng pea-sized na rami ng toothpaste.
Maliban pa rito, ayon sa pag-aaral, ang labis na exposure sa flouride habang nabubuo ang mga ngipin ay maaaring magresulta sa dental fluorosis.
Samantala, ang flouride ay isang uri ng mineral na natatagpuan sa tubig at lupa. Nadiskubre ng mga eksperto na ang mga taong umiinom ng tubig ay natural na nagkakaroon ng maraming flouride at mas kakaunting cavities.
Ito rin umano ang dahilan kung bakit inihahalo ang flouride sa tap water, toothpaste, mouthwash at iba pang uri ng oral health care products.
Ayon kay Dr. Mary Hayes, bagama’t, maganda ang benepisyong naibibigay ng flouride, dapat pa rin umano tayong maging maingat sa paggamit nito.
Maliban pa rito, maganda umanong matuto ang mga bata na magsepilyo nang mag-isa, ngunit, kailangan pa ring gabayan ang mga ito.
Oh, ayan, mga mamshie, ngayong alam na natin ang posibleng mangyari kina bagets, make sure na magagabayan natin sila, ha? Mabuti nang ingatan natin ang kanilang oral health habang sila ay bata pa.
Okay?




Comments