top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

2019 PHILRACOM 4-YO SA SANTA ANA RACE PARK

Green Lantern
Feb 11, 2019
1 min read

RENDA at LATIGO

HAHATAW sa Linggo, Pebrero 17 ang walong kala­hok na mananakbong local sa 2019 Philracom 4 Year Old and Above Local sa Sanddle and Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite.

Maghaharap ang mga kalahok na Box Office, Cervesa Rosas, Eli Brassous, Hiway One, Lakan, Magnificent Seven, Smokin Saturday at Son Also Rises.

Magdadala ng 52 kg. kapag babae,54 sa lalaki edad 4 na taon, 53 kg.kapag babae, 55 sa lalaki na nagkaka-edad ng 5 taon, at 54 sa babae at 56 sa lalaki na edad anim na taon pataas.

Naglaan ng P500,000 sa unang apat na makatatawid sa finish line na hahatiin sa P300,000 para sa mananalo, P112,500 sa pangalawa na tatanggap ng P62,500 ang pangatlo at pagkakalooban ng P25,000 ang pang-apat na puwesto.

Makatatanggap din ng P15,000 ang mananalong breeder. Pinapaboran ang magka-couple entry na Cervesas Rosas at Son Also Rises na tatawid sa 1,300 meters.

Magsisilbing kalaban mahigpit ang Lakan sa nasabing distansiya at Smokin Saturday na isa sa makikita sa unahan. Hindi naman mawawala ang Box Office Eli Brassous at Hiway One na magsisilbing kalaban sa unahan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page