Utos ni Digong | MGA GABINETE BAWAL MANGAMPANYA
- Mylene Alfonzo
- Feb 10, 2019
- 1 min read

PINAGBAWALAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng gabinete na mangampanya para sa mga sinusuportahang mga kandidato para sa 2019 Midterm Elections.
Kaugnay nito, tiniyak ni Pangulong Duterte na magingang mga pulis at militar ay magiging neutral sa papalapit na eleksiyon sa Mayo.
“May I remind everybody na ako mismo, personally interested and I think everybody else in government.
I can assure you that the armed forces and the police will never side with anybody, any candidate, or for any issue for that matter that is submitted to the people for their resolution,” ani Duterte.
Aniya, ayaw niyang gamitin sa pangangampanya ng sinumang opisyal ang assets ng gobyerno tulad ng sasakyan, gasolina o eroplano dahil baka maging ugat pa ito ng kontrobersiya o maging isyu.
Binigyang-diin pa ng Punong Ehekutibo na hindi siya makikialam sa politika, pero ikakampanya nito ang mga taong may tinatanaw siyang utang na loob. “Hindi ho ako makialam sa politika, but I will be campaigning for those people na pag kautangan kong loob.
The Cabinet members— including your special assistant here who was my classmate and brod ko— sinabi ko sa kanila, though, the law allows you to campaign just like the president, but I would insist na huwag kayong makialam,” pahayag ng pangulo.
“Because not only would they bring so many issues with them, pati na ‘yung sabihin ninyo na ginamit ‘yung gasolina, ginamit ‘yung sakyan ng gobyerno,‘yung eroplano,” giit pa ng pangulo.





Comments