Siya rin naman daw, matagal na… EDU, TANGGAP NA TINATAWAG NA BADING SI LUIS


AWARE naman pala ang aktor-TV host na si Edu Manzano sa pagiging patola ng anak na si Luis Manzano sa mga bashers nito at ng GF na si Jessy Mendiola.
Minsan nga raw, tine-text niya si Luis dahil nagugulat siya sa pakikipagsagutan nito sa ilang netizens, pero sabi raw sa kanya ng panganay na anak, ginu-goodtime lang nito ang mga bashers dahil walang magawa si Luis, so ‘wag na raw gawing big deal.
Tinanong namin si Edu a.k.a. President Cabrera sa Ang Probinsyano at tumatakbo ngayong congressman sa San Juan kung nasasaktan ba siya kapag tinatawag na ‘gay’ si Luis dahil sa pagiging patola nito sa mga bashers.
Natawa ang guwapo pa ring aktor sa edad na 63, “Hahaha! Ako nga, tinawag din akong gay before nu’ng una akong pumasok sa pelikula. I think no one is spared. Kahit sina Dante Varona yata ay napagbintangan din. So, for me, wala silang ibang maianggulo.”
Dagdag pa nito, kilala niya ang anak kaya wala siyang pagdududa sa gender nito.
“I know my son. At kayo rin, you know him very, very well. But as a parent siyempre, ‘yung concern, pero I don’t get worried kasi alam kong kayang-kaya niya,” sabi pa ng aktor-host.
Natanong din si Edu tungkol sa inaabangang kasal nina Luis at Jessy. Inaasahan na ba niya ito?
Sagot ni Edu, “You know, iba na ang henerasyon ngayon. Iba nang mag-isip ang mga kabataan. Dati, ‘Mahal kita, mahal mo ako, tanan na tayo.’ Ngayon, hindi, pinaplano talaga.”
Samantala, biniro si Edu na mukhang mas mayaman na sa kanya ngayon si Luis lalo’t ‘di ito nawawalan ng shows at endorsements.
Nakangiting pagkumpirma ng tisoy na aktor, “Hindi mukha, talagang mas mayaman siya sa akin.
“Ako mayaman lang, si Luis, mayaman na mayaman,” dagdag pa niya.
When asked kung nag-pledge na ba si Luis para sa campaign fund niya, seryosong sagot ni Edu, never siyang nanghingi sa mga anak. Kung may kusa ang mga ito, eh, di okay, pero para sa kanya magsimula ang panghihingi ay never daw niyang ginawa.
Well, kung matatandaan, dati na ring tumakbong vice-president at senador si Edu pero hindi pinalad na manalo.
Sa May elections, tatakbo naman siyang congressman ng San Juan sa ilalim ng Pwersa ng Masang Pilipino kung saan katiket niya si Janella Ejercito na tumatakbong mayor at si Jinggoy Estrada na gustong magbalik-Senado.





Comments