top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Sanhi ng pagkakaroon ng mataas na kolesterol

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 10, 2019
2 min read

Dear Doc. Shane,

Ako ay 62 years old at diabetic. Nagpakuha ako ng blood test para sa kolesterol ko. Gusto kong malaman kung ano ang tinatawag na HDL at LDL? Ano ang mga sintomas kapag mataas ang kolesterol ng tao at mayroon bang mga paraan para mapababa ito kahit hindi uminom ng gamot? — Angelo

Sagot

Ang kolesterol ay isang uri ng lipid. Ito ay malagkit tulad ng taba na materyal na ginagawa ng atay sa natural na paraan. Ang kolesterol ay hindi natutunaw sa tubig kaya maaari itong gumalaw sa dugo ng hindi natutunaw. Para matulungang gumalaw ang kolesterol sa katawan, ang atay ay gumagawa at nagpapalabas din ng lipoproteins.

Ang lipoproteins ay particles na gawa sa fat at protina. Ang dalawang uri ng lipoprotein ay ang low density lipoprotein (LDL) at high density lipoprotein (HDL).

Ang low density lipoprotein (LDL) o bad cholesterol. Ito ang tagapagdala ng kolesterol sa mga ugat na daanan ng dugo. Kung mataas ang bilang ng LDL cholesterol sa dugo, maaari itong maipon sa mga dingding ng mga ugat.

Ang high density lipoprotein (HDL) o good cholesterol. Tumutulong ito na ibalik ang LDL cholesterol sa atay upang tuluyan nang maalis sa katawan. Makatutulong ang good cholesterol upang makaiwas sa pagkakaroon ng pamumuo ng plaque sa mga ugat.

Kung nasa tamang dami ang HDL cholesterol, matutulungan nito na mapababa ang posibilidad na pamumuo ng dugo, sakit sa puso at stroke.

Ano ang sanhi ng mataas na kolesterol?

  • Madalas na pagkon­sumo ng mga pagkaing mataas sa kolesterol, saturated at transitive fats.

  • Hindi pagiging aktibo o hindi gaanong paggalaw.

  • Madalas na paniniga­rilyo.

  • Genes o mayroong kapamilyang nagkaroon ng mataas na kolesterol.

  • Kumplikasyon sa iba pang sakit

  • May diabetes, sakit sa bato o hyperthyroidism.

Narito ang ilang tips para mapanatili ang tamang antas ng koles­terol sa katawan:

  • Bantayan ang saturated at transitive fats — dapat hindi lalampas sa 10 porsiyento ng calories na kinakain natin, araw-araw.

  • Kumain ng malusog at hindi saturated na taba — subukang palitan ang mantika sa pagluluto ng virgin coconut o olive oil, bumili ng karneng malaman at kumain ng mani imbes na french fries.

  • Kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber.

  • Bawasan ang pagkon­sumo ng alak.

  • Panatilihin at bantayan ang malusog na timbang.

  • Ugaliing magkaroon ng regular na ehersisyo.

  • Iwasan ang paniniga­rilyo.

  • Ugaliing magkaroon ng regular na konsultasyon sa doktor.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page