top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Pope Francis umamin | MGA MADRE SEX SLAVES NG MGA PARI

Mylene Alfonzo
Feb 10, 2019
1 min read

INAMIN ni Pope Francis na inaabuso ng ilang mga pari ang ilang madre at may ilan pang kaso na ginawang sex slaves ang mga ito.

Ayon sa Santo Papa, dahil sa nasabing kaso, napuwersa ang kanyang sinundang si Pope Benedict na isara ang buong kongregasyon ng mga madre na inabuso ng mga pari.

Ito ang unang pagkakataon na inamin ni Pope Francis ang nagaganap na pang-aabuso sa mga madre gawa ng ilang pari.

Noong Nobyembre, kinondena ng global organization for nuns ng Simbahang-Katolika ang ‘culture of silence and secrecy’ na pumigil umano sa kanilang magsalita tungkol sa pang-aabuso.

Tiniyak naman ng Santo Papa na nireresolba ng Simbahan ang problema.

Kaugnay nito, umapela si Pangulong Rodrigo Duterte ng reporma sa Simbahang-Katolika matapos ang pag-amin ni Pope Francis.

Ayon sa pangulo, patunay lamang aniya ito na walang moral ascendancy ang Simbahang-Katolika para punahin ang gobyerno.

“The Pope is in Dubai. He admitted yesterday na ‘yung mga madre, ‘yun ang konsumo ng mga pari.

Really,” sabi ni P-Duterte sa kanyang talumpati sa Peace and Order Summit for Barangay Officials sa Legazpi City, Albay.

“You read the… hindi ako nagpapatawa. And I will not joke or crack a joke about that.

Sinasabi kona sa inyo, eh. The Church has to reform because. Well, ako presidente hindi na talaga,” ani P-Duterte.

Matatandaang, si P-Duterte mismo ay umamin na biktima rin siya ng pangmomolestiya noon ng pari.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page