top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Misis sinakal, tinadtad | 63-ANYOS NA MISTER NAGSAKSAK SA PUSO, PATAY

  • V.  Reyes
  • Feb 10, 2019
  • 1 min read

WINAKASAN ng isang lolo ang kanyang buhay matapos sakalin ang misis nito sa gitna ng kanilang pagaaway sa Bgy. Bungad, Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Sinaksak ng suspek na si Tomas Abella Virgo, Jr., 63, ang kanyang puso na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Ayon kay Police Senior Insp. Juan Mortel, nangyari ang insidente alas-2:45 ng madaling-araw sa bahay ng mag-asawa sa Bgy. Bungad.

Nasa kritikal na kondisyon naman sa Quezon City General Hospital ang biktimang misis na si Myral Miranda Garaygay, 60, matapos ang tinamong mga saksak sa katawan.

Una rito, nagising ang anak ng mag-asawa na si Abegail Virgo dahil sa sigawan ng kanyang mga magulang.

Nakita rin umano ni Abegail na sinasakal ng kanyang ama ang nanay nito kaya tinawag niya ang kapatid na si Vincent upang awatin ang dalawa.

Gayunman, nang dumating ang magkapatid ay nakita na nilang duguan ang ina. Mabilis na isinugod sa ospital ang ginang.

“Nang bumalik sa kanilang bahay ang magkapatid ay naabutan nila na duguan ang nakaluhod na ama at wala ng buhay.

Tumanggi ang mga anak ng mag-asawa na ipabatid ang ugat ng alitan ng mag-asawa.

Nakuha sa lugar ng krimen ang walong pulgadang kutsilyo habang patuloy nang sinisiyasat ng mga awtoridad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page