top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Malinaw ayon sa palad... DOMESTIC HELPER NA NAKATAKDANG MAKAKILALA NG AMONG MABAIT

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 10, 2019
2 min read

KATANUNGAN

  1. Nag-a-apply ako ngayon sa abroad bilang domestic helper, pero nag­dadalawang-isip ako kung tutuloy ako o hindi dahil ang sabi sa akin ng agency ko ay Arabo raw ‘yung magiging emplo­yer ko.

  2. Dahil dito ay nata­takot at nag-aalala ako.

  3. Sa tingin ninyo, ma­ganda ba ang magi­ging kapalaran ko sa pa­ngingibang-bansa?

KASAGUTAN

  1. Alam mo, Ms. Libra, ‘yung kapahamakan lalo na sa career at pagtatra­baho sa ibayong-dagat, nakikita ‘yan sa guhit ng mga palad. Kung wala na­man ito sa kaliwa at kanan mong palad, wala kang dapat ikatakot.

  2. Pansining maganda at okay sa alright ang Fate Line o ang Career Line (Dra­wing A. at B. F-F ar­row a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, sa iyong pagtatrabaho, anu­man ang pinagkaka­aba­­lahan mo, sigurado, “very smooth sailing” ang magiging biyahe ng iyong barko. Ibig sabihin, wa­lang magiging problema sa iyong career at trabaho kahit saang panig ka pa ng mundo mapadpad.

  3. Dagdag pa rito, ka­pansin-pansin din ang ma­linaw, malawak at ma­gan­dang Travel Line (Dra­wing A. at B. t-t arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kahit na Chinese, Greek, Palestino, Israelita o Arabo pa ang magiging employer mo ay sigurado na ang magaga­nap, magkakaroon ka ng isang mabunga at mabi­yayang pangingibang-bansa na madali namang kinumpirma at pinatuna­yan ng hindi nababoy mong lagda.

Sa halip, ang suwa­beng-suwabe at ma­gan­da mong signature ang nagsasabing sa paki­ki­pagsapalaran sa iba­yong-dagat, tulad ng na­ipaliwanag na, kahit anong nasyon ang maging em­ployer mo, walang duda, tiyak na papalarin at su­suwertehin ka.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Kung hindi ninyo naitatanong, isa sa mga hilig kong panoorin na palabas ay ‘yung may tema o kaugnayan sa World War II.

  2. Ibig sabihin, kapag nanood kang mabuti ng mga palabas tungkol sa giyera, kahit na ‘yung do­cumentaries o hango sa totoong buhay at pang­yayayari, iisa lang ang mabubuong kongklus­yon sa iyong isipan: “ka­pag pala giyera na ang usapan at ikaw ay sun­dalo lalo pa at nasa front­line ka, napakasuwerte mo kung makauuwi ka pa ng buhay.”

  3. Ano naman ang ka­ugnayan ng ku­wento kong ito sa kapalaran ng tao, partikular sa mga kababayan nating nakikipagsapalaran sa abroad?

  4. Simple lang, tulad ng sundalo na sumusuong sa la­banan, kahit anong iwas niya sa bala at ma­chine gun, kung talagang oras mo na, patay ka!

  5. Samantala, kung hindi mo pa naman oras para malasin, kahit sumu­god ka nang sumugod ha­bang binabaril ka ng mga kalaban, parang ma­gic, hindi ka mamamatay dahil hindi mo pa oras upang malagutan ng hininga.

  6. Gayundin, ang ka­palaran ng tao kung saan may panahon ng kamala­san at kasuwertehan.

  7. Kapag dumating ang kapalaran mo, ang panahon ng kasuwerte­han kahit na sino pa ang amo mo sa abroad, sigu­radong susuwertehin ka at magkakaroon ng ma­buti at magandang kapa­laran dahil ‘yun ang iti­nak­da para sa iyo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page