top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

KOOPERATIBA NADALE NG KAWATAN

Levi Gonzales
Feb 10, 2019
1 min read

TINATAYANG nasa higit P300,000 cash ang natangay ng Akyat-Bahay Gang sa isang malaking kooperatiba sa Bgy. Ibabao, Cuenca, Batangas.

Batay sa ulat, sa pagitan ng alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-2:00 ng madaling araw nang isinagawa ang panloloob sa Ibabao Multi-purpose Cooperative.

Umakyat sila sa bubungan saka winasak ang kisame nito at pumasok. Mabilis nilang tinungo ang main vault kung saan naroroon ang nasabing halaga.

Patuloy pa ang isinasagawang pag-iimbestiga ng pulisya at kung may CCTV footage sa naturang lugar upang agad maresolba ang naturang insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page