HOROSCOPE | PEBRERO 10, 2019 (Linggo)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG PEBRERO 10, 2019 (Linggo): Kumilos ka nang kumilos para sa magandang kinabukasan. Sa ganito, aanihin mo ang matatamis na bunga ng iyong pagsisikap. Hindi ka matutulad sa iba na nagsikap, pero wala namang napala.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pasasayahin ka ng iyong kapalaran dahil ikaw ay nakitang seryoso kung saan kaya mong talunin ang kalungkutan. Sa pagiging masaya, mas maraming suwerte ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-18-22-28-30-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagsisimula na ang mabilisang pagbabago ng iyong kapalaran kung saan makikitang sobra kang natutuwa dahil sa biglang pagganda ng iyong kalagayan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-10-13-25-34-41.
GEMINI (May 21- June 20) - Pasayahin mo ang iyong sarili, gayundin ang malalapit sa iyo. Huwag mong kaliligtaan na ang magagandang kapalaran ay dumadapo sa mga taong may masayang personalidad. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-21-23-29-30-37.
CANCER (June 21- July 22) - Dapat mong malaman na ang araw ngayon at ang darating pang mga araw ay para sa pagsasaya. Ibig sabihin, kung sino ang masaya, siya ang bubuwenasin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-14-20-25-33-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang manghinayang sa mawawala sa iyo dahil langit mismo ang kikilos para mas dumami pa ang iyong mga biyaya. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-12-14-16-20-29-31.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magkulong sa loob ng bahay. Lumabas ka at magugulat ka dahil ang marami at ang malalaking suwerte ay maglalapitan sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-22-28-30-38-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Isuot mo ang iyong paboritong kasuotan kahit nasa loob ka lang ng bahay. Ito mismo ang pampasuwerte mo na nagsasabing magdaragsaan sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-24-27-36-40-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Muli, lumayo ka sa mga taong malungkot dahil sila ang hindi darapuan ng mga suwerte. Dapat mong malaman na ang saya at suwerte ay iisa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-21-25-39-40-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maging tapat ka sa iyong sarili. Aminin mong ang mga materyal na bagay ang tunay na nagbibigay sa iyo ng kaligayahan. Sa ganito, mas lalong darami ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-18-20-21-26-30.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ano ang iyong pahahalagahan ngayon, kaibigan o karelasyon? Ayon sa iyong kapalaran, piliin mo kung saan ka mas sasaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-11-18-29-31-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maging masaya ka nang sa gayun ay magdatingan ang mga biyaya sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-18-22-26-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagpasya ang langit na sa mga araw na ito ay sasalubungin ka ng mga suwerte at ang isa pang pasya ay lalayo na sa buhay mo ang mga taong kamalasan lang ang hatid sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-19-24-28-40-46.




Comments