Fetus na nakalublob sa balde hanggang sa namatay

Salaminin natin ang panaginip ni Mel ng Micaela _Miel_Diaz@facebook. com
Dear Professor,
Ako si Mel, 29 yrs old, isa ako sa mga masusugid ninyong tagasubaybay mula pa lang noong ako ay nasa elementarya.
Paborito kong binabasa ang kolum ninyo sa BULGAR at nakatutuwa kung masasagot ninyo ang mga katanungan ko tungkol sa aking mga panaginip.
Nanaginip ako ng fetus na nakalublob sa balde na may lamang tubig, hindi ko alam kung kaninong anak ‘yun?
May nakakabit pang pusod sa baby at unti-unti itong nawawalan ng hininga sa harap ko habang ako ay sigaw nang sigaw sa mga tao na tumawag sila ng ambulansiya kasi nakita kong may buhay pa ‘yung bata.
Naaawa ako na mamamatay lang siya sa ganu’ng kalagayan, gusto kong maisalba ang baby, pero walang tumutulong sa kanya, hindi ko rin magawang tulungan ‘yung baby dahil sa mga sandaling ‘yun ay hindi ko alam ang gagawin ko.
Iyak lang ako nang iyak habang nakikita kong unti-unting nag-iiba ang kulay ng baby hanggang sa malagutan siya ng hininga.
Ano ang ibig sabihin nito?
Salamat!
Naghihintay,
Mel
Sa iyo Mel,
Masama ang pangitain na gustong ipaabot sa iyo ng panaginip mo dahil ang fetus sa balde ay sinasabing nagkaroon ng abortion o pagpapalaglag ng sanggol.
Alam mo, may pagkakataon na nalalaglag ang sanggol dahil sa kapabayaan ng ina, kumbaga, hindi niya iningatan ang baby niya.
Nalaglag man ito nang kusa o sinadya, ang panaginip ay nagsasabing hindi ka dapat tumulad sa dalawang posibleng dahilan ng pagkamatay ng baby na nasa sinapupunan.
Pero, bakit kaya ito ang mensahe sa iyo ng panaginip mo? Ito ay dahil ayaw ng panaginip na mangyari sa buhay mo ang tinatawag na “wisdom of the fool” kung saan ang babae at lalaki rin ay ayaw munang magkaanak dahil ang kanilang prayoridad sa buhay ay ang umasenso at magkaroon ng successful life.
Ang pakikipagrelasyon nila ay nakatuon sa pagpapayaman at dahil simple lang ang susi ng tagumpay, siya ay umangat nang umangat hanggang sa siya ay yumaman. Pero, maraming taon ang nauubos bago masabing ang tao ay ganap ng mayaman.
Kaya nang dumating ang punto na na-realized niya na wala palang tunay na ligaya sa mga materyal na bagay.
Siya ay nag-asawa at gusto niyang magkaroon ng anak dahil naisip niya na ang tunay na nagbibigay ng ganap na ligaya sa babae ay ang pagiging ina.
Kaya sinabi niya sa kanyang sarili, “what a foolish I was?” Mauubos na ang pagkakataon na siya ay puwede pang mabuntis. Nagsisi siya dahil sa abortion na paulit-ulit niyang ginawa noong mga panahong ang pinili niya ay career at hindi ang love life.
Hindi dapat mangyari sa buhay mo ang “wisdom of the fool”. Kaya kung mabibigyan ka ng pagkakataong mabuntis, ingatan mo ang baby sa iyong sinapupunan. Mahalin mo siya, higit sa anumang bagay sa mundo dahil “being a mother is the true meaning of womanhood”.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments