Bahay ni-raid | P51 MILYONG SHABU NASABAT

NASA P51 milyong halagang high-grade shabu ang nasabat ng mga awtoridad matapos salakayin ang isang mansion house sa Bgy. Cubacub, Mandaue City, Cebu.
Kasabay ng pagkakadiskubre sa mga kontrabando na tumitimbang ng 7.5 kilos ang pagkakaaresto sa 24-anyos na lalaki na si Charlie Fortuna.
Pinangunahan ni Sr. Supt. Remus Medina ang operasyon.
Ayon kay Chief Insp. Ricardo Tero, ang pagkarekober sa malaking bulto ng shabu ay bunsod ng followup operation sa pagkaaresto sa drug suspect sa Bgy. San Roque na nahulihan ng 30 gramo ng shabu.
Minanmanan aniya si Fortuna nang dalawang buwan hanggang salakayin ang bahay nito kung saan isinasagawa ang operasyon ng repacking sa mga droga.
Ani Tero, posibleng hindi lang simpleng drug pusher si Fortuna kaya itinuturing na itong bigtime drug dealer.
Nakuha rin ng pulisya kay Fortuna ang nubain ampules na isang narcotic painkiller.
Itinanggi naman ng suspek ang pagkaaresto sa kanya at sinabi nitong nadamay lamang siya.





Comments