top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

WRIGHT, UMIIGPAW ANG TIKAS SA FUELS KONTRA ROAD WARRIORS

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 9, 2019
1 min read

LUMAKAS ang kapit ng Phoenix FuelMasters sa top spot ng team standings matapos nilang sikwatin ang manipis na 83-82 panalo kontra makukulit na NLEX Road warriors kagabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagtala si Matthew Wright ng 17 points, anim na assists at limang rebounds para sa FuelMasters na tangan ang malinis na limang panalo, nag-ambag si Jason Perkins ng 14 markers at 11 boards.

May tsansa sanang makuha ng NLEX ang panalo, may 2.3 segundo na lang sa orasan pero nasupalpal si Pedrito Galanza.

Pukpukan ang banatan sa unang dalawang periods, lamang ng isang puntos ang FuelMasters, 45-44 sa halftime.

Naagaw ng Road Warriors ang bandera sa pagtatapos ng third, 70-67 pero naging matatag ang Phoenix sa 4th. Tumipa si JR Quinahan ng 14 pts. para sa Road Warriors na nalasap ang pang-apat na talo sa anim na laro.

Samantala,nais ng Barangay Ginebra na lagukin ang pangalawang sunod na panalo pagharap nila sa Blackwater ngayong 5 p.m. sa Davao del Sur Coliseum. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page