top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Naglalaro sa kalsada, ulo nagulungan | 5-ANYOS DEDBOL SA VAN

Maeng Santos
Feb 9, 2019
1 min read

DEDO ang limang taong gulang na babae makaraang masagi ng van at magulungan ang ulo nito habang naglalaro sa gilid ng kalsada sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center ang Grade 1 pupil na si Althea Joy Saniel.

Sumuko naman sa pulisya si Alos Cesar Garana, 58, ng Dagat-Dagatan.

Sa imbestigasyon ng Caloocan Police Station Traffic Enforcement Unit, ipaparada ni Garana ang minamanehong sasakyan sa parking lot ng Macropoint International Sales Corp. sa Tanigue St., Samantad Compound nang hindi sinasadyang masagi ng kaliwang bahagi ng sasakyan ang biktima na naglalaro sa gilid ng lansangan.

Hindi umano ito napansin ng driver kaya nagpatuloy sa pag-andar ang sasakyan hanggang sa pumailalim sa naturang van ang bata at nagulungan ang bahagi ng ulo nito.

Kasong reckless imprudence resulting in homicide ang isinampa ng pulisya kay Garana sa Calo­ocan City Prosecutor’s Office.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page