top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mga TRAPO (tradisyunal na pulitiko), oks lang na buwagin ayon sa pangulo

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 9, 2019
1 min read

ILANG beses nang sinabi ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na malaya ang militar na patalsikin siya kung hindi na sila kuntento sa kanyang pamumu­no.

Kaya sa naganap na oath-taking para sa mga bagong talagang opisyal ng gobyerno, sinabihan ni P-Duterte ang mga sundalo na sa susunod na mag-aaklas ang mga ito ay huwag nilang hahayaang mapunta ang gobyerno sa kamay ng mga tradisyunal na pulitiko kung saan imbes na ang mga ito ang magpapatakbo sa pamahalaan, eh, ‘yung “youth leaders” na lang dapat.

Dagdag pa nito, hanapin ang mau­utak na bata at ihulog ang lahat ng politicians, kabilang mismo ang pa­ngulo.

Gayunman, kung kakayahan ang pagbabasehan kahit ang mga batang lider ay kaya na itong gampanan, ‘yun nga lang, wala talaga ito sa kakayahan kundi nasa displina at pagiging res­ponsableng opisyal.

Kaya ang panawagan natin sa mga bagong halal, sana, magampanan ninyo nang maayos ang inyong mga tung­ku­lin sa pamahalaan at huwag na ka­yong dumagdag pa sa mga namumu­nong pasaway.

‘Ika nga ni P-Digong, sana, malag­pasan ninyo ang mga pagsubok na ma­aari ninyong pagdaanan!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page