top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Malinaw ayon sa birthday... LALAKING NAKATAKDANG MAKAAHON SA HIRAP NG BUHAY

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 9, 2019
2 min read

Dear Maestro,

Dati akong OFW sa Korea at umuwi ako rito sa pag-aakalang malaki-laki na ang naipon kong pera na ipinadadala ko sa aking nanay.

Puwede na sanang ipam­pagawa ng bahay at ipagpatayo ng maliit na grocery, kaya lang, hindi nangyari ang pangarap ko at huli na nang malaman kong in-invest pala ng mga magulang ko sa “pyrami­ding scam” ‘yung perang pinaghirapan ko ng halos 7 taon sa abroad.

Pilit naming hina­ha­bol ‘yung mga taong nan­loko sa amin, kaya lang ngayon ay nagtatago na ang mastermind.

Sa ngayon, mag-a-apply na naman ako at hin­di ko alam kung makaaalis pa ako dahil medyo may edad na rin ako, gayundin na nakatatamad na.

Sa palagay ninyo, mala­lagpasan kaya namin ang problemang kinahaharap namin ngayon at kailan kaya ako muling makapag-a-abroad? June 17, 1982 ang birthday ko.

Umaasa,

Kayle ng Lewin, Lumban, Laguna

Dear Kayle,

Huwag ka nang malung­kot dahil mayroong batas ang kalikasan na hindi ma­pa­sisinungalingan, ito ay ka­pag may nawala, may dara­ting at kapag may binawi, may mu­ling matatanggap.

Sa pamilya, mapapansin na kapag humihina na sina lolo at lola at malapit ng bu­migay ay may mga apo na­mang naglalakihan upang pumalit o dumagdag sa in­yong angkan.

Ganyan talaga ang natu­ral na batas ng “nature” na sadyang inorasyon ni Lord nu’ng unang araw palang ng paglalang at idinisenyo ang kalikasan sa bawat may bu­hay kung saan sinabi ni God ang salitang, “to multiply” o magpakarami.

Ang problema, ang ba­tas-kalikasang ito na ipina­li­liwanag natin sa itaas ay hin­di kadalasang nangyayari sa tao.

Sapagkat ang tao ay hindi tulad ng halaman at mga hayop na madaling sumuko. Ang tao ay likas na maini­pin, kaunting pagsubok lang ang pinagdaraanan ay na­lulungkot kaagad at pinang­hihinaan ng loob at tulad ng nasabi na dahil sa kalung­ku­tan, imbes na muling umus­bong at madagdagan ang dahon, kaagad itong nama­matay dahil nawawalan na ng pag-asa, gayundin ang tao kung saan imbes na luma­ban ay sumusuko na lang.

Ito ang kaibahan ng tao sa hayop at halaman dahil ang tao ay may damdamin.

Hindi lang damdamin, ang iba pa nga riyan ay sobra kung magdamdam, napaka­emosyunal at ang pagiging maramdaming ito ang nagi­ging hadlang upang hindi niya matamasa ang biyaya at pagpapala mula sa langit.

Kaya kapag nawawalan ka, hindi ka dapat malungkot at magmukmok sa isang tabi hanggang sa ma-depress at sa bandang huli ay magka­sakit at ang sakit pang ito ang ikamatay mo kapag mi­namalas-malas ka.

Kaya tama ang gina­gawa mo ngayon, Kayle, lu­maban ka at muling mag­sikap, kahit na medyo may edad ka na, muli kang mag-apply sa abroad.

Bumuo kang muli ng bagong pangarap sapagkat ayon sa iyong Travel Calen­dar, tiyak ang magaganap ngayong 2019, sa edad mong 37 pataas, muli kang ma­kapag-a-abroad at sa iba­yong-dagat ay muli kang makapag-iipon ng sapat na salapi na magagamit mo sa pagpapagawa ng sira-sira ninyong bahay, gayundin, may kaunti pang sosobra sa naipon mo upang tuluyan mo nang masimulan ang bi­na­balak mong negosyong gro­cery hanggang sa tuluy-tu­loy na muling umunlad at lu­mago ang kabuhayan ng inyong pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page