Make sure na hindi kayo nagkukulang ngayong Valentine‘s Day, mga besh! 7 TIPS PARA SA MGA NASA LONG
- BULGAR

- Feb 9, 2019
- 2 min read

SABI nila, sa pag-ibig, walang dista-distansiya, basta may tiwala at mahal ninyo ang isa’t isa, woah!
Long distance relationship (LDR), isa ito sa pinakamahirap na uri ng relasyon. Kung ‘yung magkalapit at halos araw-araw ngang nagkikita, eh, nagkakalabuan pa, paano pa kaya kung malayo kayo sa isa’t isa? ‘Yun lang!
Anyways, sa mga beshy natin na mayroong long distance relationship, narito ang ilan sa mga cutest at sweetest gimik para i-celebrate ang Valentine’s Day:
1. GIFT THEM A MUSIC PLAYLIST. Anu-anong mga kanta naman? Siyempre, ‘yung songs na may special meaning hindi lang sa’yo kundi sa inyong dalawa. Isama mo na rin ‘yung theme song ninyo, ‘yung kanta na madalas mong i-dedicate sa kanya o ‘yung madalas niyang i-dedicate sa’yo. Tapos sabay ninyong pakinggan sa Valentine’s Day. Sobrang romantic, ‘di ba?
2. ARRANGE A FACETIME DINNER DATE. Panigurado, sanay na kayo r’yan, pero dapat “something different” sa pagkakataong ito. Puwede tayong mag-set-up ng dinner date sa harap ng camera with bae (before anything else). ‘Ika nga, kahit virtual date lang, eh, panalo pa rin naman!
3. SEND THEM THEIR FAVORITE MEAL. Kung keri nating mag-bake o magluto, gora, mga beshy! Pero, kung hindi tayo marunong sa kusina, oks pa rin kahit magpa-deliver na lang tayo ng foods na gusto nila. Maa-appreciate niya ‘yan for sure!
4. MAKE A PHOTO SPREAD OF ALL YOUR FAVORITE MEMORIES. Ito na ang chance natin na ilabas ang lahat ng stolen pics ni hubby, siyempre, gamit ulit ang FaceTime. Gumawa tayo ng collage o kung malupit ka, eh, gumawa ka ng mala-power point presentation, napakabongga nu’n. He-he-he!
5. SEND A VIDEO MESSAGE. Simple lang ito kung iisipin, pero dahil Valentine’s Day, make it more special. Puwede tayong gumawa ng tula o kanta tungkol sa pagmamahalan ninyong dalawa. Mula nu’ng una mo siyang makita o makilala hanggang sa time na nagka-in love-an na kayong dalawa, ayiee! Push mo na rin ‘yung mga nakakikilig na quotes na nai-scroll mo sa FB. Basta, tandaan lang na lahat ng sasabihin mo, eh, galing sa puso mo, ganern!
6. MAIL HIM/HER A CARE PACKAGE OF THEIR FAVORITE THINGS. Halimbawa, collector siya ng kung anu-ano, puwede tayong maghanap ng mga bagay na trip niya, mas oks kung ang ibibigay natin sa kanya ay ‘yung bagay na matagal na niyang gustong makuha, ‘yun bang mga limited edition? Ha-ha-ha! Kung hindi naman keri ng budget, eh, kahit simpleng bagay na lang, basta sure tayong bet niya, ang mahalaga naman, eh, hindi tayo napilitang ibigay ‘yun sa kanya, okidoki?
7. PLAN A SURPRISE TRIP TO SEE HIM/HER. Karamihan sa mga nasa LDR, ito ang pinakagusto, walang masarap na pagkain o mamahaling regalo ang makapapantay sa pagkakataong makita ang kanilang “special someone” sa personal. ‘Yung tipong iisang oxygen lang ang nalalanghap ninyo. Char! He-he-he!
Tandaan natin na sa pag-ibig, lahat puwede, sabi nga sa gasgas na kasabihan, ‘pag gusto, may paraan, kaya kahit sobrang baduy ‘yung ideya at magmumukha man tayong shunga, eh, oks lang dahil para naman ‘yun sa taong mahal natin.
Love, love, love!





Comments