top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Magsasaka tiklo sa shabu

Pabs Hernandez III
Feb 9, 2019
1 min read

SULU—Isang magsasaka ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu, kamakalawa sa Bgy. Gandasuli, Patikul sa lalawigang ito.

Ang suspek ay nakilalang si Kamar Ibba, nakatira sa Bgy. Kadday Mampallam sa nabanggit na bayan.

Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang sachet ng shabu at P200 markadong pera sa pag-iingat ng suspek.

Nakapiit na si Ibba na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page