top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Lalaki nag-amok, 4 patay

  • Jeff Tumbado
  • Feb 9, 2019
  • 1 min read

UTAS ang apat katao habang anim ang sugatan sa pamamaril ng isang lalaki na umano’y lasing sa Teresa, Rizal, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ruben Francisco, Wilfredo de Guzman, Celso Bernales, Jr. at isang tricycle driver. Sugatan naman sina Marvin Miotin, Renato Dacuya, Edrick John Borac, Joel Gasingan at ang dalawang pulis na sina PO3 Emillano Pantaleon at PO1 Eleuterio Mina.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jeffrey Verano, naganap ang pamamaril ng suspek na nakilalang si John Albert Araojo sa Carissa Homes East 1, Bgy. Bagumbayan, Teresa, Rizal bago mag-alas 7:00 ng gabi.

Una umanong pinuntirya ng suspek si Francisco habang ito ay nakatayo sa labas ng kanyang bahay at kasunod na binaril si De Guzman at ilang sandali pa ay ang dalawang tricycle drivers na nakapila sa terminal. Rumesponde sina PO3 Pantaleon at PO1 Mina subalit, maging sila ay pinagbabaril.

Hindi na nagawa pang masukol ang suspek na tumakas sakay ng motorsiklo. Isang malawakang manhunt operation ang inilunsad upang dakpin ang suspek at mapanagot.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page