Kaso ng tigdas, triple na
TRIPLE na ang kaso ng tigdas sa Europa noong 2018 kumpara noong 2017, batay sa tala ng World Health Organization (WHO).
Gayunman, noong 2018, 82,596 ang naitalang kaso ng tigdas kung saan ito umano ang pinakamataas sa buong dekada.
Bagama’t, pinalawig ang vaccination program, ayon sa WHO, hindi ito sapat para pigilan ang pagkalat ng tigdas sa iba’t ibang bansa.
Ang pinakamataas na kaso ng tigdas ay naitala sa Ukraine kung saan sampung beses itong mas mataas sa ikalawang bansa na may pinakamaraming kaso ng tigdas na Serbia.
Umabot sa 53,218 ang naitala sa Ukraine habang sinundan ito ng Serbia na may 5,076.
Samantala, 71 katao ang nasawi sa Europe noong 2018 dahil sa tigdas.





Comments