Imbes na kasuhan, mga 'bata' ni P-DU30, lusot sa shabu smuggling, tsk-tsk-tsk!

IMBES NA KASUHAN, MGA ‘BATA’ NI P-DUTERTE NA SABIT SA SHABU SMUGGLING, ABSUWELTO SA MGA MAMBABATAS — Kung nilinis noon ng pro-Duterte senators si BuCor Director Nicanor Faeldon sa pagkakasangkot nito sa P6.4 billion shabu shipments, nilinis na rin ngayon ng pro-Duterte congressmen si TESDA Director Isidro Lapeña sa pagkakasangkot nito sa P11 billion shabu smuggling sa bansa.
Mantakin n’yo, may mga ebidensiya namang tone-toneladang shabu, pero imbes na irekomendang kasuhan sina Faeldon at Lapeña, eh, ang ginawa ng mga mambabatas, inabsuwelto sa isyung ito ang dalawang “bata” ni P-Duterte, buwisit!
◘◘◘
IIWAS SA KAPAHAMAKAN ANG MGA BABY AT BATA, PABAKUNAHAN NA SILA NG KONTRA TIGDAS—Nagdulot ng takot sa publiko ang balitang nakamamatay ang Dengvaxia at dahil dito, karamihan sa mga magulang, hindi na pinabakunahan kontra tigdas ang kanilang mga anak at dahil d’yan, naiulat na maraming bata ang namatay dahil sa tigdas.
Seryoso ang sakit na tigdas dahil bukod sa kumplikasyong dulot nito, ito ay nakamamatay at para maiiwas sa kapahamakan ang mga baby at bata, alisin ng mga magulang sa kanilang isipan ang Dengvaxia at pabakunahan na kontra tigdas ang kanilang mga anak, period!
◘◘◘
TRAIN LAW, PANG-OIL PRICE INCREASE NA, PANG-TAAS-PRESYO PA NG MGA BILIHIN —Hindi raw dapat isisi sa TRAIN Law ang pagtaas ng presyo ng langis na nagdulot na naman para magtaasan ang presyo ng mga bilihin.
Pambihira, ang linaw na nakasaad sa TRAIN Law ang P2 increase sa mga produktong petrolyo, tapos sasabihin na huwag daw isisi sa TRAIN Law ang taas-presyo ng langis, pwe!
◘◘◘
MAYOR TAN, ‘NGANGA’ SA SALOT NA VK NI ‘NORMA’ SA SANTIAGO CITY—Nagkalat na naman daw ang mga salot na video karera ni “Norma” sa Santiago City, Isabela.
O, ano Mayor Joseph Tan, “nganga” ka na lang ba sa raket ni “Norma” sa nasasakupan mo? Aba, aksiyon na, dali!





Comments