top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Hinataw ng kahoy | KELOT TIGOK SA TRIKE DRIVER

V. Reyes
Feb 9, 2019
1 min read

PINAGPAPALO ng kahoy hanggang sa mapatay ng tricycle driver ang may-ari ng ipinapasada nitong sasakyan sa Bgy. Alicia, Bago Bantay sa Quezon City.

Kinilala ni PO1 Alexiss Mace Jurado, imbestigador ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Nelson Santos Magbag, 34, may asawa at isa ring tricycle driver.

Naisugod pa ito sa East Avenue Medical Center subalit, matapos ang ilang araw na pagkaka-confine ay binawian ng buhay ang biktima sanhi ng tinamong matinding pinsala sa ulo.

Natukoy naman ang suspek na si Eliseo Devigal Florendo, 20, binata, tricycle driver at mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Batay sa pagsisiyasat, naganap ang insidente alas-11:00 ng gabi noong Pebrero 5 sa Fort Santiago Street ng nabanggit na barangay.

Minamaneho umano ng testigong si Alexis Cancino ang traysikel na pag-aari ng biktima habang nakaangkas naman ito sa likuran upang maghanap ng pasahero.

Gayunman, pagsapit sa kanto ng Norte at Fort Santiago Sts. ay hinarang sila ng suspek at agad na hinambalos ng kahoy ang biktima sa ulo nito.

Patuloy nang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente at tinutugis ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page