top of page
Pokwang.jpg

Doktor nabundol ng SUV, dedo

Jeff Tumbado
Feb 9, 2019
1 min read

TODAS ang 32-anyos na doktor makaraang mabundol ng humaharurot na SUV sa Santiago, Agusan del Norte, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Cabadbaran District Hospital ang biktimang si Dr. Zuriele Arambulo.

Nakababa na umano ang biktima sa sinakyang pampasaherong bus subalit, bigla itong nahagip ng SUV habang tumatawid sa kalsada.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ng ilang metro ang biktima bago bumagsak sa sementadong kalsada.

Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang doktor na siyang dahilan ng pagkamatay nito habang ang sasakyan na imbes na huminto ay mabilis na tumakas.

Nabatid na ang biktima ay kade-deploy lang bilang isa sa mga tinaguriang ‘Doctor to the Barrios’ sa rehiyon at kahapon ang kanya sanang unang araw sa duty na magbibigay ng libreng serbisyo sa pangkalusugan sa mga residente.

Ang ‘Doctor to the Barrios’ ay isang programa ng Department of Health kung saan nagpapadala ng mga volunteer doctor sa mga lugar kung saan may kakulangan sa mga health worker.

Patuloy naman ang follow-up operation ng pulisya para makilala at matukoy ang driver na nakabangga sa doktor.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page