Balik-bitay sa SRI lanka
IPAGPAPATULOY ng Sri Lanka ang pagpapatupad ng parusang kamatayan sa loob ng dalawang buwan.
Ito ay kaugnay sa pagtatapos ng 42-taong moratorium sa capital punishment.
Ayon kay Sri Lanka President Maithripala Sirisena, ipapataw ang nasabing parusa sa mga drug offender.
Gayunman, umapela ang mga human rights organization na huwag na umanong manghimasok sa gagawin nilang desisyon.
Samantala. kasalukuyang napupunta sa life sentence ang mga indibidwal na mayroong kasong murder, rape at iba pang kaso na may kaugnayan sa droga sa Sri Lanka.





Comments